Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ko.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihang bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na anak. Matanda na talga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungan tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakingan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakilitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? pinagtyagaan kong pakingan at intindihin ang mga pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na akoy magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan, at huwag kang mag-alala, kahit ganito na ako, dalangin ko parin sa panginoong Diyos na lumikha na pagpalain ka palagi.. dahil nagging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

Note: Sadly, the links of those who have opted to leave the blogsphere were already removed from the list. If you have moved to another domain/blog publishing service but forgot to inform me about it for some reason, feel free to leave a message in my CBox/Formspring so I can add/change the URL. Thank you :)
Some posts here contain advertisements which I am being paid for. If you understand, I appreciate. If you don't have respect for it, I accept. However, be reminded that this is my blog where I have any right to do whatever. Thank you very much and have a good one.
THE OWNER
Tin San Diego is a registered nurse who appreciates serene places, good melodies, and kind people.
FEATURED GIVEAWAY
Kaitlyn Mannes is hosting another Back to School Giveaway
Up for grabs:
School/office supplies
MAC Lipstick
A loot bag of cosmetics and beauty tools